Tsina sa Amerika, dapat bawiin ang pag-aalis ng 214 na lisensya ng China Telecom companies

2021-11-03 16:44:18  CMG
Share with:

Inalis ng U.S. Federal Communications Commission (FCC) nitong Oktubre 26, 2021, ang 214 na lisensya ng subsidiaries ng China Telecom companies sa Amerika sa katwiran ng pangangalaga sa kaligtasan ng bansa.

Tsina sa Amerika, dapat bawiin ang pag-aalis ng 214 na lisensya ng China Telecom companies_fororder_05chinatelecom

Kaugnay nito, sa isang pahayag na inilabas kamakailan, buong tatag na tinututulan ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina ang naturang aksyon ng Amerika.

 

Hinimok din ng Tsina ang Amerika na agarang kanselahin ang kapasiyahang ito.

 

Dapat ipagkaloob ng Amerika ang pantay-pantay at makatarungang kapaligiran para sa mga kompanyang Tsino sa Amerika, at tratuhin ang mga kompanyang Tsino ng walang diskriminasyon. Patuloy na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino, sinabi pa ng pahayag.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method