Ipinahayag Nobyembre 3, 2021, ng US Air Force Inspector General, na ayon sa imbestigasyon, ang pag-atake noong Agosto ng Amerika sa Kabul, Afghanistan, na ikinamtay ang 10 Afghan ay di-sinasadyang pagkakamali. Hindi ito lumabag sa anumang batas at walang simuman ang dapat managot sa insidenteng ito.
Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 4, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang bahid ng awa ang pananalitang ito ng Amerika para sa mahgiit 32 milyong mamamayan ng Afghanistan na nakaranas ng digmaan.
Dapat komprehensibong iwasto ng Amerika ang maling aksyon ng pakiki-alam sa suliraning panloob ng ibang bansa sa katwiran ng demokrasiya, aktuwal na igalang at pangalagaan ang karapatang pantao, para maiwasan ang muling pagkaganap ng insidente ng paglabag sa karapatang pantao, saad ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Mac