Afghanistan, magiging indipiyenteng bansa

2021-10-29 10:29:20  CMG
Share with:

Sa isang eksklusibong panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Ahmadullah Wasiq, Pangalawang Tagapagsalita ng Afghan Taliban, na kasalukuyang nagsisikap ang Afghan Taliban para maitatag ang relasyon sa mga kapitbansa nito at buong daigdig.

Ipinahayag niya na uunlad ang Afghanistan tungo sa isang indipiyenteng bansa. Hindi ito manghihimasok sa mga suliranin ng ibang bansa, at di-pahihintulutang gamitin ng iba, dagdag pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method