Kaugnay ng paglala ng situwasyong pulitikal sa Iraq, isang pagsalakay ng drone ang naganap Sabado, Nobyembre 7 (local time) 2021, sa opisyal na tahanan ni Punong Ministro Mustafa al-Kadhimi ng Iraq sa Baghdad na ikinasugat ng maraming tao.
Pagkatapos ng pag-atake, sinabi sa Twitter ng punong ministro na “mabuti” ang kanyang kalagayan.
Nanawagan din siya sa iba’t-ibang panig na magtimpi.
Ayon sa ulat, hanggang sa kasalukuyan, wala pang anumang organisasyon ang umako ng pananagutan sa nasabing pananalakay.
Salin: Lito
Pulido: Rhio