74, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 50, domestiko

2021-11-07 12:40:16  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Nobyembre 6, 2021, 74 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

Sa mga ito, 24 ang galing sa labas ng bansa, at 50 ang domestiko.

Kabilang sa mga domestikong kaso, 21 ang mula sa lalawigang Hebei, 9 sa probinsyang Liaoning, 6 sa lalawigang Heilongjiang, 4 sa probinsyang Sichuan, 3 sa probinsyang Henan, 3 sa probinsyang Yunnan, 2 sa probinsyang Gansu, 1 sa probinsyang Jiangxi, at 1 sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Hui ng Ningxia.

Batay pa sa datos, 1,169 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso.

Samantala, 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method