Espesyal na Sugo ng Tsina sa Pagbabago ng Klima: Tatalakayin ang mga pagkakaiba at hahanapin ang pagkakaisa sa COP26

2021-11-09 17:17:18  CMG
Share with:

Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), ipinahayag Nobyembre 8, 2021, ni Xie Zhenhua, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Pagbabago ng Klima, na nasa kalahati na ang proseso ng Ika-26 na Komperensya ng mga Panig ng Pagbabago ng Klima ng United Nations (COP26), at mula sa linggong ito, pumasok na ito sa pagsasangguniang pulitikal sa lebel na ministeryal.

Espesyal na Sugo ng Tsina sa Pagbabago ng Klima: Tatalakayin ang mga pagkakaiba at hahanapin ang pagkakaisa sa COP26_fororder_01谢振华

Si Xie Zhenhua, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Pagbabago ng Klima

Aniya, sa talastasan ng mga kinatawan ng iba’t ibang bansa noong nakaraang linggo ng COP26, naging maliwanag ang paninindigan ng iba’t ibang panig at mga pangunahing pagkakaiba. Kaya sa kasunod na yugto, magsisikap ang talastasang ministeryal para mabawasan ang pagkakaiba at hanapin ang pagkakaisa ng iba’t ibang panig, at mahirap ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method