Mga kuro-kuro at mungkahi ng mga di-komunista, tinanggap ng CPC sa mahalagang resolusyon nito

2021-11-13 17:07:17  CMG
Share with:

Habang ginagawa ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang resolusyon tungkol sa mga natamong tagumpay at karanasang pangkasaysayan ng partido nitong nakalipas na isang siglo, ipinatawag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang simposyum para pakinggan ang mga kuro-kuro at mungkahi ng mga di-komunista kaugnay nito.

 

Ayon sa ulat, ang naturang simposyum na idinaos noong nagdaang Setyembre 10, sa Beijing, ay nilahukan ng mga lider ng mga di-komunistang partido pulitikal, puno ng All-China Federation of Industry and Commerce, at mga tauhang di-kasapi sa partido.

 

Sa simposyum, binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng nabanggit na resolusyon, nang pumasok ang Tsina sa masusing yugto ng pagbangon sa gitna ng mga pandaigdigang hamon, at patuloy na pinagbubuklod at pinamumunuan ng CPC ang mga mamamayan para sa pagsasakatuparan ng ikalawang sentenaryong target.

 

Dagdag niya, buong taimtim na pag-aaralan at kukunin ng Komite Sentral ng CPC ang mga kuro-kuro at mungkahing iniharap ng mga di-komunista tungkol sa mga pangunahing suliranin ng partido.

 

Ang nabanggit na resolusyon ay pinagtibay na sa Ika-6 na Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, na ipininid nitong Nobyembre 11.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method