Di-kukulangin sa 64 na babae at bata, patay sa air strike ng Amerika sa Syria noong 2019 — New York Times

2021-11-14 13:04:33  CMG
Share with:

Ayon sa pagbunyag ng “New York Times” nitong Sabado, Nobyembre 13 (local time), 2021, inilunsad ng tropang panghimpapawid ng Amerika ang air raid sa  bayang Baghuz Fawqani ng Syria noong 2019, at di-kukulangin sa 64 na babae at bata ang namatay dahil dito.

Subalit, itinatago ng tropang Amerikano ang nasabing insidente hanggang naibunyag sa artikulo ng “New York Times.”

Ang air raid sa Baghuz Fawqani ay isa sa mga aksyong militar na nagdulot ng pinakagrabeng kasuwalti ng sibilyan sa digmaan sa Syria. Ngunit bago ang pagbubunyag, walang nakakaalam sa insidenteng ito.

Ayon sa “New York Times,” ang inilabas nitong artikulo ay nakabase sa klasipikadong dokumento at ulat, at panayam sa mga kaukulang tauhan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method