Ayon sa pahayag na inilabas nitong Huwebes, Pebrero 25, 2021 ng Pentagon ng Amerika, sa kautusan ni Pangulong Joe Biden, inilunsad nang araw ring iyon ng tropang panghimpapawid ng Amerika ang airstrike sa militia target na suportado ng Iran sa gawing silangan ng Syria.
Malawak ang pinsalang dulot ng nasabing air raid.
Anang pahayag, ito ay bilang ganti sa pananalakay at tuluy-tuloy na pagbabanta kamakailan na nakatuon sa tropang Amerikano at mga tauhan ng magkakasanib na tropa ng maraming bansa sa Iraq.
Ang nasabing airstrike ay kauna-unahang aksyong militar na pinahintulutan ni Biden sapul nang manungkulan siya bilang pangulo ng Amerika.
Salin: Vera
Pagbalik ng Amerika sa JCPOA, tanging tumpak na paraan sa isyung nuklear ng Iran — Tsina
Iran, itataas sa 20% ang abundance of elements ng uranium enrichment
Amerika, sumasadlak sa kapahamakan sa karapatang pantao na dulot ng pagpapabaya sa pandemiya
Lampas sa 500,000, kabuuang bilang ng mga pumanaw sa COVID-19 sa Amerika -Johns Hopkins University