Reporma ng UNSC, dapat igarantiya ang pagbabahagi ng bunga ng iba't ibang miyembro — Tsina

2021-11-16 16:18:36  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa regular na pagsusuri ng Ika-76 na Asembleya ng United Nations sa isyu ng reporma ng United Nations Security Council (UNSC), ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na dapat igarantiya ang pagbabahagi ng bunga ng reporma. Ang reporma ay hindi dapat para sa kapakanan ng iilang bansa lamang.

 

Aniya, dapat pabutihin ang pagkakaisa at pagtitiwalaan sa isa’t isa ng mga miyembro. Ang anumang plano ng reporma ay hindi dapat makapinsala sa pagkakaisa ng mga miyembro.

 

Ang talastasan sa pagitan ng mga pamahalaan sa isyu ng reporma ng UNSC ay tanging lehitimong plataporma ng pagtalakay sa isyung ito, at malawak itong sinusuportahan ng mga miyembro. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang panig para aktibo at konstruktibong makisangkot sa talastasang ito at hanapin ang pantay-pantay at makatuwiran na kalutasan sa pamamagitan ng diyalogo at koordinasyon. Saad niya, dapat igarantiya ang mabisang pagsasakatuparan ng UNSC ng tungkulin nito, at pasulungin ang pagtahak ng reporma tungo sa direksyon na angkop sa komong kapakanan ng mga miyembro at pangmatagalang pag-unlad ng UN.

Reporma ng UNSC, dapat igarantiya ang pagbabahagi ng bunga ng iba't ibang miyembro — Tsina_fororder_02unsc

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method