Idinaos Nobyembre 17, 2021, dito sa Beijing, ang Ika-60 News briefing sa mga isyung kaugnay ng Xinjiang.
Sa preskon, tinukoy ni Xu Guixiang, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Uygur ng Tsina, na upang pangalagaan ang pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng iba’t ibang etniko ng Tsina, na kinabibilangan ng karapatan ng buhay, kalusugan, pag-unlad at iba pa, isinasagawa ng Xinjiang ang serye na malakas at mabisang hakbangin. Pinigilan nito ang karahasan at teroristikong aktibidad, at walang anumang insidente ng terorismo ang naiulat sa Xinjiang nitong nakaraang 5 taon.
Xu Guixiang, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Uygur ng Tsina
Tinukoy ni Xu na sa proseso ng paglaban sa terorismo at ekstrimismo, sinusunod ng Xinjiang ng Tsina ang pandaigdigang prinsipyo ng paglaban sa terorismo, at ipinatupad din ng Xinjiang ang mga lokal na batas ayon sa aktuwal na kalagayan.
Sa buong proseso ng paglaban sa terorismo at ekstrimismo, palagiang iginigiit ng Xinjiang ang ideyang pambatas.
Salin:Sarah
Pulido:Mac