Galaw ng Amerika, nagpapa-usbong ng terorismo

2021-11-17 16:18:24  CMG
Share with:

Paglulunsad ng Amerika ng digmaan laban sa terorismo, naglalayong hanapin ang sariling kapakanang pulitikal

Sa Ika-60 News Briefing ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang na idinaos sa Beijing nitong Miyerkules, Nobyembre 17, 2021, tinukoy ni Xu Guixiang, tagapagsalita ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, na sa estratehiya ng pakikibaka laban sa terorismo, binibigyan ng mas malaking pansin ng Tsina ang paglutas sa pundamental na problema ng terorismo. Ngunit, dahil sa malabis na dahas ng Amerika sa paglaban sa terorismo, patuloy nitong pinapa-usbong ang mga bagong terorista.

Sinabi ni Xu na kung babalik-tanawin ang kasaysayan ng paglaban ng Amerika sa terorismo, mula ng mangyari ang 9/11 hanggang umurong ang tropang Amerikano mula sa Afghanistan, 20 taon na ang nakalipas, bagama’t napatay ng Amerika ang pinuno ng Al-Qaeda na si Ozama bin Laden at naabot ang hangarin nito sa nakatakdang digri, nabigo ang “paglaban sa terorismo” sa istilong Amerikano sa estratehiya.

Hanggang sa ngayon, hindi pa napupuksa ang terorismo. Mula sa Al-Qaeda hanggang Islamic State (IS), mula sa People Committed to the Propagation of the Prophet's Teachings and Jihad,  hanggang a Al-Qaeda in the Islamic Maghreb (AQIM), walang tigil na tumataas ang panganib sa mga rehiyon at buong daigdig na dulot ng terorismo.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method