Dumating Nobyembre 17, 2021, sa Manila ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina, na binili ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa pagtanggap ng bakuna sa paliparan, ipinahayag ni Carlito Galvez, Punong Tagapagpatupad ng Hakbangin ng Pamahalaan ng Pilipinas sa paglaban sa COVID-19, na ang Tsina ay tunay na kaibigan at ang Sinovac ay maaasahang supplier ng bakuna.
Ipinahayag din ni Robert Borje, Asistente ng Pangulo sa Ugnayang Panlabas, na ang kooperasyon ng bakuna kontra COVID-19 ay kongkretong aksyon ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na umaasa siyang sa tulong ng Tsina, magtatagumpay ang Pilipinas sa paglaban sa COVID-19 at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac