Isang maringal na seremonya ang idinaos nitong Miyerkules, Nobyembre 17, 2021 sa Phnom Penh International Airport upang salubungin ang ika-7 pangkat ng 2 milyong dosis na bakunang kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na donasyon ng Tsina.
Sa seremonya, ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, na dahil sa tuluy-tuloy na ibinibigay na tulong na bakuna ng Tsina at mga biniling bakuna ng Cambodia, maagang naisakatuparan ng Cambodia ang vaccination plan ng bansa sa unang yugto.
Bunga nito, unti-unting nagbubukas ang iba’t-ibang larangan ng buong bansang Cambodia at bumabangon ang kabuhayan nito, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac