PM ng Malaysia: inaasahang lalo pang patataasin ang lebel ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN

2021-11-22 16:21:05  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa China-ASEAN Special Summit bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN na idinaos Nobyembre 22, 2021, sinabi ni Ismail Sabri Yaakob, Punong Ministro ng Malaysia, na ang katotohanan ay lubos na nagpapakita na matagumpay ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN nitong nakaraang 30 taon.

PM ng Malaysia: inaasahang lalo pang patataasin ang lebel ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN_fororder_02malaysia

Inaasahan niyang lalo pang patataasin ang lebel ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN sa komprehensibong estratehikong partnership.

 

Bukod dito, tinukoy din niya na lubos na pinapurihan ng Malaysia ang papel ng Tsina para sa pagpapasulong ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, pagsuporta sa namumukod na katayuan ng ASEAN sa rehiyong ito, at pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad, at iba pang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Lito

Please select the login method