CCFTA, magkakabisa sa 2022

2021-11-22 16:19:34  CMG
Share with:

Opisyal na magkakabisa mula Enero 1, 2022, ang China-Cambodia Free Trade Agreement (CCFTA).

 

Ayon sa kasunduang ito, tataas ng 90% ang bilang ng mga panindang walang taripa sa kalakalan ng Tsina at Kambodya. Ito ay nasa pinakamataas na lebel sa mga partners ng malayang kalakalan ang pagbubukas ng pamilihan ng serbisyo at kalakalan. Sinang-ayunan ng dalawang panig na palakasin ang pamumuhunan at kooperasyon, palalimin ang kooperasyon sa Belt and Road Initiative, e-commerce, teknolohiyang pangkabuhayan at iba pang larangan.

 

Nilagdaan noong Oktubre 12, 2020, ang CCFTA. Ito ay bagong milestone sa pag-unlad ng bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, na makakatulong sa pagpapabuti ng benepisyo ng mga mamamayan ng Tsina at Kambodya.

CCFTA, magkakabisa sa 2022_fororder_0101kambodya

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method