Iniulat kamakailan ng ilang media na lalagdaan ng Lithuania at Amerika ang kasunduan ng export credit na nagkakahalaga ng US$600 milyon. Ayon sa ulat ng media na kahit nagalit ang Tsina sa Lithuania dahil sa isyung may kinalaman sa Taiwan, makukuha ng Lithuania ang suporta galing sa Amerika.
Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 25, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang ulat ay nagpakita muli na mayroong puppet master na nagpapatakbo ng akyon ng Lithuanian na may kinalaman sa Taiwan.
Ani Zhao, nakasira ang Lithuanian ng soberaniya ng Tsina, para kunin ang pautang mula sa Amerika. Samantala pinipilipit naman ng Amerika ang ibang bansa para isakatuparan ang sariling layong pulitikal, at di-responsible ang aksyong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac