Dapat harapin ng Lithuania ang bunga ng desisyon - Tsina

2021-11-23 15:38:06  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng Lithuania na ang “represantatibong tanggapan ng Taiwan” sa bansang ito ay walang diplomatikong katayuan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 22, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalitang ito ay pagtatakip lamang at dapat harapin ng pamahalaan ng Lithuania ang bunga ng desisyon nito.

Dapat harapin ng Lithuania ang bunga ng desisyon - Tsina_fororder_01lithuania

Bukod dito, kaugnay ng lantarang pagsuporta ng Unyong Europeo sa ginawa ng Lithuania kaugnay ng Taiwan, ipinahayag ni Zhao na hindi pinansin ng EU ang katotohanan, at nilabag ang pangakong “hindi pananatilihin ang anumang opisyal na relasyon sa Taiwan at hindi lalagda sa anumang kasunduan sa Taiwan” na ginawa ng EU sa Tsina noong 1975, matapos itinatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang panig.

 

Binigyan-diin ni Zhao na ang aksyon ng Lithuania ay, dahil sa instigasyon ng ilang malalaking bansa, pero ang kapakanan ng Lithuania ay ini-sakripisyo. Nanawagan ang Tsina sa iba pang bansa ng buong daigdig, na dapat mapangalagaan ang sariling pundamental na kapakanan, batay sa pandaigdigang katuwiran at katarungan, at huwag makisangkot sa di-kailangang konprontasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method