Sa kanyang pakikipagtagpo sa pamamagitan ng video link Nobyembre 26, 2021, kay Peter Szijjarto, Ministro sa mga Suliraning Panlabas at Kalakalan ng Hungary, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinaplano ng Amerika ang pagdaraos ng di-umano’y Summit para sa Demokrasya, at ang katotohanan nito ay pagsasagawa ng Amerika ng bagay na kontra-demokrasya sa ngalan ng demokrasya.
Ipinahayag ni Wang na ang demokrasya ay komong halaga na hinahanap ng iba’t ibang bansa, sa halip ng kagamitang pulitikal ng Amerika.
Sinabi ni Szijjarto na hindi maaaring maapektuhan ng anumang puwersang panlabas ang patakaran ng Hungary ng pagkakaibigan sa Tsina. Buong tatag na nananangan ang Hungary sa patakarang Isang Tsina, iginagalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at buong tatag na sinusuportahan ang makatarungang paninindigan ng Tsina.
Nagpalitan din ang dalawang panig ng palagay hinggil sa relasyon ng Tsina at Europa. Ipinahayag ni Wang na ang Tsina at Europa ay partner, hindi kalaban. Dapat magsikap ang kapuwang dalawang panig para isakatuparan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa.
Ipinahayag din ni Szijjarto na buong tatag na sinusuportahan ng kanyang bansa ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa, patuloy at aktibong nakikisanggot ang Hungary sa kooperasyon ng Tsina at Gitnang Silangang Europa, at nakahandang ganapin ng Hungary ang konstruktibong papel para sa relasyong Sino-Europeo batay sa paggalang sa isa’t isa.
Salin:Sarah
Pulido:Frank