Bumigkas nitong Lunes, Setyembre 27, 2021 ng talumpati si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa video conference hinggil sa papel ng Tsina sa United Nations (UN).
Saad ni Wang, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN.
Aniya, nitong nakalipas na 50 taon, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ipinatupad ng Tsina ang simulain ng Karta ng UN, iginiit ang pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at nagsibling bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, nangangalaga sa kaayusang pandaigdig, at aktibong nagkaloob ng mga produktong pampubliko.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa na pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Mac