Sa news briefing ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang na ginanap kahapon, Nobyembre 30, 2021 sa Beijing, nilagom ni Xu Guixiang, Tagapagsalita ng pamahalaan ng Xinjiang, ang 6 na sala ng genocide sa kasaysayan ng Amerika.
Tinukoy niyang tulad ng pag-amin ng Amerikanong lider, ang sistematikong rasismo ay bahid sa kaluluwa ng Amerika. Halimbawa, sapul nang itatag ang Estados Unidos hanggang unang dako ng ika-20 siglo, lalong lalo na, sa proseso ng Westward Movement, walang habas na pinagpapatay ng Amerika ang mga American Indian, at umabot sa 25 milyon ang bilang ng mga nasawi. Nawalan ng mga lupain ang mga American Indian.
Ipinagdiinan niya, ang genocide ng Amerika sa mga Indyano ay sistematikong aksyong itinaguyod ng pamahalaan. Ito ang tunay na genocide na nag-iwan ng malalim at pangmalayuang epekto.
Isinalaysay ni Xu na sa kasalukuyan, matatag ang lipunan ng Xinjiang, umuunlad ang kabuhayan, at bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Tinatamasa aniya ang mga mamamayan ng iba’t ibang etnikong grupo ng maligaya’t mapayapang pamumuhay.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tsina: Magkakasamang pag-boykot sa aksyong kontra demokrasya at pekeng demokrasya
CMG Komentaryo: Amerika, walang kredibilidad na magsalita tungkol sa demokrasya!
CMG Komentaryo: Pagtaas ng presyo ng pabo, babala sa Washington
Mediang Amerikano: Dapat tumpak na pakitunguhan ng Amerika ang sariling nagawang genocide