CMG Komentaryo: Pagtaas ng presyo ng pabo, babala sa Washington

2021-11-25 16:23:37  CMG
Share with:

Ngayong araw, Nobyembre 25, 2021 ay Araw ng Pasasalamat, at ang pagkain ng inihaw o litson pabo sa pagtitipon-tipon ng mga pamilya ay isa sa mga mahalagang tradisyon sa okasyong ito.

CMG Komentaryo: Pagtaas ng presyo ng pabo, babala sa Washington_fororder_20211125komentaryo

Ayon sa datos ng Kagawaran ng Agrikultura ng Amerika, umabot sa $USD 1.35 ang presyo ng pakyawan ng isang libra ng frozen turkey na karaniwang may timbang na 8 hanggang 16 na pounds ang isang buong turkey, at ito ay tumaas ng 21% kumpara noong isang taon.
 

Ang mahal na bangkete sa Araw ng Pasasalamat ay isang halimbawa lamang ng mataas na presyo ng mga paninda na nararanasan ng mga mamamayang Amerikano ngayon. Malaki ang pagtaas ng presyo ng iba’t ibang uri ng paninda na gaya ng pagkain, komestibles, enerhiya, sasakyang de motor at iba pa.
 

Ayon sa datos, umabot na sa pinakamataas na lebel nitong nakalipas na 31 taon ang inflation rate ng Amerika noong Oktubre, at di-mapanghikayat ang pananalita ng Federal Reserve (Fed) na “pansamantala ang mataas na implasyon.”
 

Ang trilyon-trilyong dolyares na plano sa pagpapasigla ng kabuhayan na inilunsad ng pamahalaang Amerikano ay nakapagpasulong sa pangangailangan ng konsumo, pero ang di-mabisang kampanya sa paglaban sa pandemiya ay nakapagpabagal ng pagpapanumbalik ng merkado ng labor force. Samantala, sa epekto ng pandemiya sa buong mundo, di-maalwan ang takbo ng supply chain.
 

Ang pagpapanatili ng kasalukuyang pamahalaan ng Amerika ng pagpapataw ng mataas na taripa sa mga produktong Tsino ay nakapagpasidhi rin ng pagtaas ng presyo ng mga paninda.
 

Ang malaking pagtaas ng presyo ng pabo ay babala sa Washington. Dapat isaisang-tabi ng mga pulitikong Amerikano ang personal na kapakanang pulitikal, kontrulin sa lalong madaling panahon ang pagkalat ng pandemiya, at gawin ang desisyong angkop sa kapakanan ng mga mamamayang Amerikano at responsibilidad sa komunidad ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method