Tsina’t Cyprus, itinaas ang ugnayan sa estratehikong partnership

2021-12-01 10:21:42  CMG
Share with:

Tsina’t Cyprus, itinaas ang ugnayan sa estratehikong partnership_fororder_e5afeab2e08e46d2a8a03d08915d90bf

 

Sa bisperas ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nag-usap sa telepono Martes, Nobyembre 30, 2021, sina Pangulong Xin Jinping ng Tsina at Pangulong Nicos Anastasiades ng Cyprus.

 

Kapwa pinapurihan ng dalawang pangulo ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina’t Cyprus nitong limang dekadang nakalipas at magkasamang nagpasiyang i-upgrade ang ugnayan ng dalawang bansa sa estratehikong partnership.

 

Kinikilala rin ng dalawang presidente ang pagkakatigan at pag-uunawaan ng Tsina’t Cyprus at mga natamong bunga sa larangan ng pulitika, kabuhayan, lipunan. Umaasa silang mapapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kalakalan, pamumuhunan, kultura, turismo at iba pa, sa ilalim ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Kaugnay nito, ani Xi, ikinagagalak ng Tsina ang pagpasok ng mas maraming produktong agrikultural sa pamilihang Tsino, at hinihikayat din ng bansa ang mga bahay-kalakal na Tsino na makilahok at mag-ambag sa pag-unlad ng Cyprus sa berdeng kabuhayan, digital transformation at kaunlaran pagkatapos ng pandemiya ng COVID-19.

 

Ipinahayag naman ni Anastasiades ang kahandaan ng Cyprus para mapasulong ang pagdidiyalogo at pagtutulungan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Larawan:CGTN file photo 

Please select the login method