Relasyong Sino-Kambodyano at Relasyong Sino-ASEAN, isusulong

2021-12-05 09:55:47  CMG
Share with:

Anji, probinsyang Zhejiang ng Tsina — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Disyembre 4, 2021 kay Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at nagbabagong kalagayang pandaigdig, mas kailangang magkaisa ang Tsina at Cambodia.

Ani Wang, dapat magkasamang ipatupad ang narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa upang mapasulong ang relasyong Sino-Kambodyano at relasyong Sino-ASEAN sa pagtatamo ng mas malaking pag-unlad.

Ipinahayag naman ni Prak Sokhonn ang taos-pusong pasasalamat sa ibinibigay na malakas na suporta ng Tsina sa Cambodia sa pakikibaka laban sa COVID-19.

Aniya, lubos na pinahahalagahan at sinusuportahan ng panig Kambodyano ang inisyatiba ng kaunlarang pandaigdig na iniharap ng panig Tsino.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa magkasamang pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN.


Salin: Lito

Please select the login method