Pagbati, ipinaabot ni Xi Jinping kay Haring Maha Vajiralongkorn kaugnay ng pambansang araw ng Thailand

2021-12-06 17:01:42  CMG
Share with:

Ipinaabot Disyembre 5, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensaheng pambati, kay Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand, para sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng bansa.

Pagbati, ipinaabot ni Xi Jinping kay Haring Maha Vajiralongkorn kaugnay ng pambansang araw ng Thailand_fororder_03pangulongxi

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na ang Tsina at Thailand ay mabuting magkaibigan at magkapitbansa.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Thailand.

 

Nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Thailand, para palalimin ang estratehikong patitiwalaan, at patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan, upang magdulot ng mas malaking kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at ibigay ang mas maraming ambag para sa rehiyon at buong daigdig, saad pa ni Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method