Landas ng karapatang-pantao, dibersipikado: mamamayan ng iba't-ibang bansa, dapat pumili ng landas na angkop sa sariling kalagayan – Xi Jinping

2021-12-08 16:38:21  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati sa 2021 South-South Human Rights Forum (SSHRF) na idinaos ngayong araw, Disyembre 8, 2021, sa Beijing, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang karapatang-pantao ay palatandaan ng pag-unlad ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan,  at ang pagigiit at pagpapauna sa kapakanan ng mga mamamayan ay responsibilidad ng iba’tibang bansa ng daigdig.

Landas ng karapatang-pantao, dibersipikado: mamamayan ng iba't-ibang bansa, dapat pumili ng landas na angkop sa sariling kalagayan – Xi Jinping_fororder_01pangulongxi

Binigyan-diin niyang palagiang iginagalang at iginagarantiya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang karapatang-pantao ng mga mamamayang Tsino, at matagumpay itong lumikha ng landas ng pag-unlad ng karapatang-pantao na angkop sa tunguhin ng panahon.

 

Ani Xi, dibersipikado ang paraan ng pagsasagawa ng karapatang-pantao, at dapat nagsasariling piliin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang landas ng karapatang-pantao na angkop sa kalagayan ng kanilang sariling bansa.

 

Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng mga umuunlad na bansa, para isagawa ang totoong multilateralismo, at ibigay ang ambag para sa pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng usapin ng karapatang-pantao ng buong daigdig, saad ni Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method