Xi Jinping sa daigdig: mauunawaan ang Tsina

2021-12-02 17:16:14  CMG
Share with:

Ibinigay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang video message sa Understanding China International Conference na binuksan ngayong araw, Disyembre 2, 2021, sa Guangzhou, lunsod sa katimugan ng Tsina.

 

Tinukoy ni Xi, na sa harap ng kasalukuyang malaking pagbabago sa daigdig, kailangang palakasin ang pagpapalitan ng isip at pasulungin ang kooperasyon, bilang tugon sa mga pandaigdigang hamon.

 

Umaasa aniya siyang mauunawaan ng mga mamamayan ng daigdig ang Tsina, sa pamamagitan ng paggigiit ng bansa sa ideya ng “Mamamayan Muna,” layon ng paglilingkod sa mga mamamayan, at target sa komong kaunlaran at kasaganaan ng mga mamamayan.

 

Dagdag niya, patuloy na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad at pagbubukas sa labas, at magbibigay ng bagong ambag para sa progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan at pag-unlad ng daigdig.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method