Batay sa COVID-19 Weekly Situation Report na ipinalabas kahapon, Disyembre 7, 2021 ng World Health Organization (WHO), lumampas na sa 4.1 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmado kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo hanggang noong nakaraang linggo.
Kabilang dito, mahigit 52 libo ang mga pumanaw, at ito ay mas malaki ng 10% kumpara sa bilang noong isang linggo.
Samantala, tumaas din sa 79% ang bagong kumpirmadong kaso sa Aprika at tumaas naman sa 49% ang mga kaso ng pagkamatay sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.
Ayon pa sa ulat, natuklasan ang Omicron variant sa 57 bansa at rehiyon, at ang nakararaming kaso ay may kinalaman sa paglalakbay.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio
Bagong Direktor Heneral WTO: nagbabala hinggil sa “vaccine nationalism”
WHO: Pinag-aaralan ang infectious and pathogenic nature ng Omicron variant
74, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Disyembre 7: 44, domestikong kaso
61, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Disyembre 5: 38, domestikong kaso