Sa kanyang talumpati Disyembre 8, 2021, sa Meeting Hinggil sa Rekonstruksyon ng Nepal, tinukoy ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay mapagkaibigang kapitbansa at patner ng pag-unlad ng Nepal.
Patuloy aniya ang pagsisikap ng dalawang bansa para magkasamang labanan ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan, at itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Nepal.
Kaugnay nito, iniharap ni Wang ang tatlong maungkahi:
Una, patuloy na pagpapasulong sa kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19; ikalawa, patuloy na pagkakaloob ng suporta sa Nepal para sa rekonstuksyon pagkatapos ng kalamidad; at ikatlo, patuloy na magkasamang pagtatatag ng “Belt and Road.”
Binigyan-diin ni Wang na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng Tsina at Nepal, tiyak na walang humpay na matatamo ng Nepal ang bunga sa landas ng pagbangon ng bansa pagkatapos ng kalamidad.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio