Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Narayan Khadka, bagong Ministrong Panlabas ng Nepal nitong Martes, Oktubre 19, 2021, hinangaan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang palagiang paggigiit ng pamahalaang Nepali sa patakarang Isang Tsina, at ibinigay na suporta sa panig Tsino sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng panig Tsino.
Susuportahan aniya ng panig Tsino, tulad ng dati, ang pagtatanggol ng panig Nepali sa soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at ipapahayag ang makatarungang pananaw sa mga isyung may kinalaman sa nekleong interes ng Nepal.
Saad ni Wang, ibayo pang susuportahan ng panig Tsino ang paglaban ng Nepal sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at nakahandang ibahagi, kasama ng Nepal, ang pagkakataong dulot ng pag-unlad ng bansa, de-kalidad na itatag ang Belt and Road, at buuin ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Nepal.
Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng panig Nepali, na ipagtanggol ang tunay na multilateralismo, at pangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa at mga bansa sa rehiyon.
Dagdag ni Wang, ang Global Development Initiative ay mahalagang produktong pampubliko at platapormang pangkooperasyon na ipinagkakaloob ng Tsina para sa komunidad ng daigdig, at makakatulong ito sa pagsasakatuparan ng mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Nepal ng sariling pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Nepal tungkol dito.
Inihayag naman ni Khadka na lubos na pinahahalagahan ng bagong pamahalaang Nepali ang relasyon sa Tsina.
Nakahanda aniya ang Nepal na ipatupad ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin ang bagong pag-unlad ng relasyong Nepali-Sino.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Mga pangulo ng Tsina at Nepal, nag-usap sa telepono; kooperasyon kontra pandemiya, palalalimin
Community oxygen station program, inilunsad ng Tsina para tulungan ang Nepal sa paglaban sa COVID-19
Suporta sa Nepal sa paglaban sa COVID-19, ipagkakaloob hangga’t maaari ng Tsina
Inokulasyon gamit ang bakunang gawa ng Tsina, sinimulan sa Nepal