Global Development Initiative, malawakang sinusuportahan ng komunidad ng daigdig

2021-12-09 15:06:29  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Miyerkules, Disyembre 8, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sapul nang iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Global Development Initiative (GDI) sa pangkalahatang debatehan ng Ika-76 na Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), malawakan itong sinusuportahan ng komunidad ng daigdig, partikular ng mga umuunlad na bansa.

Hanggang sa ngayon, umabot na aniya sa ilampung bansa at maraming organisasyong pandaigdig ang kumakatig sa inisyatibang ito.

Ipinahayag ni Wang na ang GDI ay katugma ng pangkalahatang tunguhin ng pag-unlad ng daigdig, angkop sa kahilingan at pangangailangan ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa, at nagpapahiwatig ng malakas na bitalidad.

Diin niya, sa harap ng nagbabagong kalagayan ng mundo at pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), di-nagbabagong paksa ang pangangailangan sa pagkakaisa at pagtutulungan, at ito rin ay di-maililipat na pangkalahatang tunguhin.

Winiwelkam ng panig Tsino ang pakikilahok ng lahat ng kaibigan sa nasabing inisyatiba para magkakasamang mapasulong ang pandaigdigang usapin ng sustenableng pag-unlad, diin ni Wang.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method