Mas pagbubukas sa labas, pagtulak ng muling paglago ng kabuhayang pandaigdig, ipinangako ng Tsina

2021-12-07 12:41:38  CMG
Share with:

Ipinangako ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang ibayo pang pagbubukas sa labas ng bansa at pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig para maisakatuparan ang komong kaunlaran.

 

Winika ito ng premyer Tsino sa kanyang paglahok sa Ika-6 na "1+6" Roundtable sa Beijing sa pamamagitan ng video link.

 

Dumalo rin sa pulong ang mga puno ng anim na pandaigdig na organisasyong pangkabuhayan. Kabilang dito sina David Malpass, Presidente ng World Bank Group, Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), Ngozi Okonjo-Iweala, Director-General World Trade Organization (WTO), Guy Ryder, Director-General ng International Labour Organization, Mathias Cormann, Secretary-General ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), at Klaas Knot, Chairman ng Financial Stability Board.

 

Ang tema ng roundtable ay "Pagpapasulong ng Malakas, Inklusibo, at Sustenableng Paglaki ng Pandaigdig na Kabuhayan: Mula Pagpapanumbalik hanggang sa Muling Pagbangon."

 

Palagay ng mga kalahok, ang pagtugon sa pandemiya ng COVID-19 ay nananatili pa ring pangkagipitang gawain ng daigdig. Napagkasunduan nila ang kahalagahan ng pagpapasulong ng makatwiran at pantay-pantay na pamimigay ng bakuna kontra COVID-19, pagtiyak ng accessibility at affordability ng bakuna sa mga umuunlad na bansa, at paglikha ng kondisyon para sa sustenable at matatag na muling pagyabong ng kabuhayan ng daigdig.

 

Nagkakaisa rin sila sa ibayo pang pagsisikap para mapahigpit ang pandaigdig na koordinasyon sa mga patakarang makro-ekonomiko, maigrantiya ang katatagan ng mga industrial at supply chain, pasulungin ang berde at low-carbon na transisyon, ipatupad ang pangangasiwa sa pandaigdig na kabuhayan, at epektibong tugunan ang mga hamon ng daigdig na gaya ng pagbabago ng klima at agwat sa kaunlaran.

 

Ipinahayag din ng mga lider ng organisasyong pandaigdig ang pagkilala sa walang-humpay na suporta ng Tsina sa mga umuunlad na bansa bilang tugon sa COVID-19.

Ipinahayag naman ng premyer Tsino ang kahandaan ng Tsina na palalimin ang pakikipagtulungan sa naturang anim na pandaigdig na samahan sa iba’t ibang larangan na gaya ng pagbabago ng klima, berdeng pag-unlad, kalusugang pampubliko, katatagang pinansyal, at paghahanap-buhay.

 

 

Salin: Jade

Pulido: Mac  

Please select the login method