Amerika, may responsibilidad sa tensyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits - Tsina

2021-12-09 17:34:59  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Jake Sullivan, United States National Security Advisor, na isasagawa ng Amerika ang lahat ng posibleng hakbangin para hadlangan ang “sandatahang pag-atake sa Taiwan.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 8, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pinagmumulan ng kasalukuyang tensyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits ay ang pagtatangka ng awtoridad ng Taiwan na sumandig sa suporta ng Amerika upang “hanapin ang pagsasarili ng Taiwan."

Amerika, may responsibilidad sa tensyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits - Tsina_fororder_02wangwenbin

Dagdag pa riyan, isa pa aniyang dahilan ay ang intensyon ng ilang personaheng Amerikano na “sugpuin ang pag-ahon ng Tsina sa pamamagitan ng Taiwan.”

 

Ani Wang, ipinakikita ng nabanggit na sinasabi ng Amerika na “hindi nakatuon sa ikatlong panig ang estratehiya nito sa Indo-Pasipiko” ay peke.

 

Sinabi pa ni Wang, na hangga’t maaari, magsisikap ang Tsina para sa mapayapang reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.

 

Pero, bilang tungon sa tangkang “pagsasarili ng Taiwan” at pakikialam ng mga puwersang dayuhan, gagawin ng Tsina ang buong tatag na reaksyon para mapangalagaan ang kaligtasan ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method