Tsina, tutol paglahok ng Taiwan sa di-umano’y Summit para sa Demokrasya

2021-11-25 12:20:51  CMG
Share with:

Ipinahayag ng Tsina ang mariing pagtutol sa imbitasyon ng panig Amerikano sa awtoridad ng Taiwan para lumahok sa di-umano’y Summit para sa Demokrasya. Hiniling din ng Tsina sa Amerika na sundin ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Ito ang inilahad ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, nitong Miyerkules, Nobyembre 24, 2021.

 

Tsina, tutol paglahok ng Taiwan sa di-umano’y Summit para sa  Demokrasya_fororder_微信截图_20211125121953

 Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina 

 

Inulit ni Zhao na, iisa lamang ang Tsina at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging legal na pamahalaan na kumakatawan sa buong Tsina na kinabibilangan ng Taiwan.

 

Ang mga pwersa na naglalatag ng plataporma para pasulungin ang di-umano’y pagsasarili ng Taiwan ay makakapinsala sa sarili, at iyong mga naglalaro ng apoy hinggil sa pagsasarili ng Taiwan ay malalagay sa kahihiyan, saad ni Zhao.

 

Kaugnay naman ng di-umano’y Summit ng Demokrasya, inulit ng tagapagsalitang Tsino na ang demokrasya ay komong paniniwala ng sangkatauhan, at hindi ito patente ng iilang bansa lamang. Ang ginagawa ng panig Amerikano ay nagpapakita lamang na ginagamit nito ang demokrasya bilang mapagbalat-kayong kasangkapan para pasulungin ang layuning heoestratehiko o geostrategic goals nito. Pinapairal aniya ng panig Amerikano ang bloc politics at nang-uudyok sa komprontasyon sa ilalim ng mapagkunwaring dekomrasya.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method