Tsina makipagkooperasyon sa UN at pasusulungin ang GDI

2021-12-10 16:27:41  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng talakayan na may temang “Pagpapasulong ng Global Development Initiative (GDI), Magkakasamang Pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ” na idinaos dito sa Beijing Disyembre 9, 2021, binigyan-diin ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng United Nations (UN), para magkasamang pasulungin ang GDI.

 

Tsina makipagkooperasyon sa UN at pasusulungin ang GDI_fororder_0202mazhaoxu

Ipinahayag ni Ma na ang GDI na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay kalutasan ng Tsina para suportahan ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa, pasulungin ang pagbangon ng buong daigdig pagkatapos ng pandemiya ng COVID-19, at palakasin ang kooperasyong pandaigdig.

 

Mahigit 2 buwan sapul nang iharap ang GDI, mainit ang naging reaksyon dito ng komunidad ng daigdig. Ito ay lubos na nagpapakita na ang GDI ay angkop sa komong mithiin ng komunidad ng daigdig ng pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development, sinabi ni Ma.

 

Sinabi pa niya na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng UN, para magkasamang pasulungin ang GDI. Iniharap ni Ma ang 3 mungkahi: una, dapat magpokus ng pag-unlad; ikalawa, dapat palakasin ang pag-uugnayan; ikatlo, dapat palalimin ang kooperasyon.

Tsina makipagkooperasyon sa UN at pasusulungin ang GDI_fororder_0201mazhaoxu

Lubos na pinapurihan ng mga kinatawan ng UN na lumahok sa talakayan ang bunga ng Tsina sa pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development, at sinusuportahan ang GDI na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method