Sinuri Disyembre 8, 2021, ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang umano'y “Uyghur Forced Labor Prevention Act”, na nagbabawal sa pag-aangkat ng Amerika ng mga produkto ng Xinjiang na bunga ng umano'y “forced labor.”
Kaugnay nito, sinabi Disyembre 9, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalita ng “forced labor” at “genocide” sa Xinjiang ay kasinungalingan na ikinakalat ng Amerika, na naglalayong sirain ang katatagan, kasaganaan ng Xinjiang at pagkakaisa ng iba’t ibang grupong etniko, at humadlang sa pag-unlad ng Tsina.
Sinabi pa ni Wang na, hinihimok ng Tsina ang Amerika na dapat agarang itigil ang pagpapasulong ng naturang panukalang batas. Buong tatag ang kapasiyahan ng Tsina na pangalagaan ang kapakanan ng bansa. Kung patuloy na isasagawa ng Amerika ang aksyon na makakasira ng kapakanan ng Tsina, tiyak na isasagawa ng Tsina ang matinding reaksyon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac