Pahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ukol sa “pinal na hatol” ng umano’y “Uyghur Tribunal”

2021-12-10 16:22:14  CMG
Share with:

Sa ilalim ng manipulasyon at pagbibigay-pondo ng puwersa kontra Tsina ng Amerika at mga bansang kanluranin, binuo ng separatistang organisasyong “World Uyghur Congress” kontra Tsina ang umano’y “Uyghur Tribunal.”
 

Binayaran nito ang mga sinungaling para gumawa ng mga kasinungalingan at pekeng ebidensya. Tangka nitong likhain ang kasangkapang pulitikal sa panggugulo sa Xinjiang at paninira sa Tsina.
 

Walang alinmang pambatas na kredibilidad ang nasabing umano ay hukuman, at ang umano’y “pinal na hatol” na inilunsad nito ay komedyang pulitikal lamang.
 

Hinding hindi maikukubli ng mga kasinungalingan ang katotohanan, hindi maaaring lokohin ang komunidad ng daigdig, at hadlangan ang prosesong historikal ng katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng Xinjiang ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulidoo: Mac

Please select the login method