Mensahe ng pangulong Tsino sa Greater Bay Science Forum 2021: bigyang-pokus ang pagtatayo ng pandaigdigang sentro ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya

2021-12-12 13:05:40  CMG
Share with:

Sa mensaheng pambati na ipinadala nitong Sabado, Disyembre 11, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Greater Bay Science Forum 2021, sinabi niyang ang kasalukuyang daigdig ay dumaranas ng walang-katulad na pagbabago nitong 100 taong nakalipas.

Pumasok na aniya sa masiglang panahon ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya sa buong daidig, at ito ay nagdudulot ng bagong round ng rebolusyon at malalim na impluwensya sa pagbabago ng industriya ng estrukturang pangkabuhayan ng buong mundo.

Ipinanawagan din ng pangulong Tsino sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area na bigyang-pokus ang pagtatayo ng  pandaigdigang sentro ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, at pasulungin ang mga bagong-sibol na industriya.

Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng mga siyentista at pandaigdigang organisasyong pansiyensiya’t panteknolohiya upang mapalakas ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, magkakasamang mapasulong ang pandaigdigang usaping panteknolohiya, at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa buong sangkatauhan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method