Mga pangulong Tsino at Ruso, positibo sa mabungang taon ng inobasyon sa siyensiya at teknolohiya

2021-11-27 17:42:15  CMG
Share with:

Magkahiwalay na nagpadala ng mensaheng pambati, kahapon, Nobyembre 26, 2021, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, sa seremonya ng pagpipinid ng taon ng inobasyon sa siyensiya at teknolohiya ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag nina Xi at Putin, na nitong isang taong nakalipas, isinagawa ng Tsina at Rusya ang mahigit isang libong aktibidad ng inobasyon sa siyensiya at teknolohiya, at natamo ang malaking bunga sa kooperasyon sa mga aspekto ng paglaban sa pandemiya ng COVID-19, kalawakan, enerhiyang nuklear, digital economy, at iba pa.

 

Umaasa rin silang, pasusulungin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang aspekto, para ibayo pang palakasin ang relasyong Sino-Ruso, at ibigay ang bagong lakas sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method