Pahayag kaugnay ng independiyenteng paghahanap ng landas ng demokrasya, inilabas ng mga partido at organisasyong panlipunan ng iba't-ibang bansa

2021-12-13 16:57:38  CMG
Share with:

Magkakasamang ipinalabas Disyembre 13, 2021, ng International Department ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at 355 iba pang partido, organisasyong panlipunan at Think Tank mula sa 140 bansa at rehiyon ng buong daigdig, ang “Magkasanib na Pahayag hinggil sa Independiyenteng Paghahanap ng Landas ng Demokrasya at Magkakasamang Pagpapapsulong ng Komong Pag-unlad. ”

 

Binigyan-diin sa pahayag na ang demokrasya ay mahalagang bunga ng pag-unlad ng sibilisasyong pulitikal ng buong sangkatauhan, at ang pag-unlad ay permanenteng target ng lipunan ng sangkatauhan.

 

Anito, walang anumang nag-iisang demokratikong sistema at modelo ng pag-unlad ang maaaring angkop sa lahat na bansa.

 

Tinututulan din ng pahayag ang pakikialam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng iba pang bansa sa katuwiran ng demokrasya.

 

Anang pahayag, sa patnubay ng komong pagpapahalaga ng buong sangkatauhan, kailangang pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method