Inilabas ngayong araw, Disyembre 4, 2021, ng Tsina ang white paper tungkol sa demokrasya nito.
Sa white paper na pinamagatang "China: Democracy That Works," inilahad ang mga ideya, sistema, praktika, bunga, at ambag ng Tsina sa demokrasya.
Ayon sa white paper, ang demokrasya ay komong halaga ng sangkatauhan na buong tatag na iginigiit ng Tsina at mga mamamayan nito. Ang demokrasya sa Tsina ay buong prosesong demokrasya ng bayan, at ang esensya nito ay may hawak ang mga mamamayan ng kapangyarihan sa bansa.
Tinukoy din ng white paper, na marami ang mga paraan ng pagsasagawa ng demokrasya. Anito, hindi dapat ipataw ang iisang porma ng demokrasya sa lahat ng mga bansa, at ang ginawang ito ay hindi demokratiko.
Editor: Liu Kai