Dating Direktor-Heneral ng WTO: Ang pagsapi ng Tsina sa WTO ay kapakipakinabang sa buong mundo

2021-12-14 18:19:39  CMG
Share with:

Nang kapanayamin kamakailan ng pahayagang “Le Monde” ng Pransya, ipinahayag ni Pascal Lamy, Dating Direktor-Heneral World Trade Organization (WTO), na ang pagsapi ng Tsina sa WTO ay nagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at nagdudulot ng benepisyo sa buong mundo.

 

Aniya, marami ang ginagawa ng Tsina bilang kasapi ng WTO. Pinababa ng Tsina ang taripa ng inaaangkat na paninda. Inaangkat ng Tsina ang mga kagamitan at teknolohiya, na nagpapataas ng lebel ng kabuhayang Tsino, at nagpapababa ng presyo ng mga paninda na pinakikinabangan ng mga mamimili ng buong daigdig.

 

Kaugnay ng kinabukasan ng WTO, sinabi ni Lamy na nitong 20 taong nakalipas sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO, nagbago ang ilang regulasyon, pero ang multilateral framework ng pagsasanggunian ng WTO ay hindi mapapalitan.

Dating Direktor-Heneral ng WTO: Ang pagsapi ng Tsina sa WTO ay kapakipakinabang sa buong mundo_fororder_01wto

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method