Bilang mahalagang aksyon ng Tsina pagkatapos sumapi sa World Trade Organization (WTO), iniharap nito noong 2013 ang “Belt and Road Initiative (BRI).”
Sapul nang maiharap ito, 8 taon na ang nakalipas, lampas na sa $USD9.2 trilyon ang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng BRI.
Sa kabila ng pananalanta ng pendemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang Tsina at mga bansa ng BRI upang magkakasamang magbigay ng ambag sa kooperasyong pandaigdig upang labanan ang pandemiya at pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan ng buong mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio