Dumating na ang ikalawang batch ng pangkagipitang makataong materyal para sa taglamig na ipinagkaloob ng Tsina para sa Afghanistan.
Sa seremonya ng pagtatanggap na idinaos Disyembre 13, 2021, sa Kabul, kabisera ng bansa, ipinahayag ni Wang Yu, Embahador ng Tsina sa Afghanistan na batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa’t isa, patuloy na palalawakin ng Tsina ang mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa Afghanistan sa iba’t ibang larangan. Susuportahan din ng Tsina ang pag-unlad ng kabuhayan ng Afghanistan, para sa magandang pamumuhay ng mga mamamayan ng kapwa bansa.
Samantala, pinasalamatan ni Arsala Kharoti, Pangalawang Ministro sa mga Suliranin ng Refugees at Rekonstruksyon ng Afghanistan, ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Afghanistan, at inaasahan niyang ipagkakaloob ng komunidad ng daigdig ang tulong sa kanyang bansa tulad ng ginagawa ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac