Tulong na pagkain, ipagkakaloob ng Tsina sa Afghanistan

2021-12-08 11:42:02  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Martes, Disyembre 7, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang matapat na kaibigang kapitbansa ng Afghanistan, hangga’t makakaya ay palagiang nagkakaloob ng tulong ang Tsina para sa mapayapang rekonstruksyon at pag-unlad ng kabuhayan ng Afghanistan.

Ani Zhao, upang asistehan ang mga mamamayang Afghan upang malampasan ang malubhang Taglamig, ipagkakaloob ng panig Tsino ang pagkaing nagkakahalaga ng 30 milyong yuan RMB sa panig Afghan.

Dagdag pa niya, muling nananawagan ang panig Tsino sa komunidad ng daigdig na ipagkaloob ang kinakailangang suporta at tulong sa Afghanistan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method