Sa news briefing ngayong araw, Disyembre 15, 2021, na idinaos ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na nitong nakaraang Nobyembre, 2021, sa harap ng maraming hamong kinabibilangan ng masalimuot at malalang kalagayang pandaigdig at pagkalat ng pandemiya ng COVID-19 sa loob ng bansa, patuloy ang pagbangon ng pambansang kabuhayang Tsino, at matatag sa kabuuan ang takbo ng kabuhayan ng bansa.
Isinalaysay ni Fu na, una nagkaroon ng bagong rekord sa bolyum ng pagpoprodyuse ng pagkain, at nakabangon rin ang produksyong industriyal.
ikalawa, bumabangon sa kabuuan ang industriya ng serbisyo.
Ikatlo, nananatiling matatag ang kalagayan ng pagbebenta ng pamilihan. Mula noong Enero hanggang Nobyembre, umabot sa 39.9 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng Total Retail Sales of Consumer Goods, na lumaki ng 13.7% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon, at umabot sa 4.0% ang karaniwang paglaki noong nakaraang 2 taon.
Ika-apat, patuloy na lumalaki ang fixed assets investment.
Ikalima, mainam ang paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas, at bumubuti ang estruktura ng kalakalan. Mula noong Enero hanggang Nobyembre, lumampas sa 35.3 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng paninda, na lumaki ng 22% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Ika-anim, walang humpay na nadaragdagan ang mga trabaho sa mga lunsod at bayan, at matatag sa kabuuan ang kalagayan ng paghahanap-buhay sa bansa.
Ikapito, matatag sa kabuuan ang presyo ng komsupsyon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac