Isang pagsabog ang naganap umaga ng Disyembre 14, 2021, sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng dalawa.
Kinumpirma ang balitang ito kahapon ni Mohammad Ezam, Pangalawang Ministro sa mga Suliraning Panloob ng Afghanistan.
Hanggang sa kasalukuyan, walang anumang indibiduwal o organisasyon ang umakong may kagagawan sa insidenteng ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac