Pangulong Duterte, binawi ang kandidatura para sa senador

2021-12-15 12:15:16  CMG
Share with:

Nilagdaan kahapon, Disyembre 14, 2021 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas ang pahayag para pormal na bawiin ang kanyang kandidatura para sa halalan ng mga senador sa susunod na taon.
 

Nakita sa isang litratong inipost ng isang tagapagsalita ng Commission on Elections sa social media na isinumite nang araw ring iyon ni Duterte ang dokumento ng pag-urong ng kandidatura sa nasabing komisyon.
 

Nakatakdang idaos ang halalang pambansa at lokal ng Pilipinas sa Mayo, 2022, at ihahalal ang bagong pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at kongresista, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method