UNESCAP: kalakalan ng paninda sa Asya-Pasipiko sa 2021, pinakamabuti sa buong mundo

2021-12-16 16:03:56  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UNESCAP), mabilis na bumangon ang kalakalan ng paninda sa rehiyong Asya-Pasipiko sa taong 2021.

 

Ayon sa pagtaya, aabot sa 23.1% ang paglaki ng halaga ng pagluluwas, samantalang lalaki naman ng 22.8% ang halaga ng pag-aangkat ng mga paninda sa rehiyong Asya-Pasipiko ngayong 2021.

 

Dagdag pa ng ulat, mas mataas ang kabuuang lebel ng halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa rehiyong Asya-Pasipiko kumpara noong bago manalasa ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sa taong 2021, mas mabuti ang kalagayan ng kalakalan ng paninda sa rehiyong Asya-Pasipiko kumpara sa ibang rehiyon ng daigdig, anang ulat.

UNESCAP: kalakalan ng paninda sa Asya-Pasipiko sa 2021, pinakamabuti sa buong mundo_fororder_02asiapasipiko

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method