Sa pamamagitan ng video link, dumalo si Erastus Mwencha, Dating Pangalawang Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Aprikano (AU), sa 2021 Taunang Pulong ng Advisory Council ng Porum sa Kooperasyong Pandaigdig ng Belt and Road Initiative (BRI).
Kaugnay nito, ipinahayag niya na ang BRI ay angkop sa direksyon ng pag-unlad ng 2063 Agenda ng Unyong Aprikano, at ito rin ay makakatulong sa pagpapabilis ng modernisasyon ng pundamental na pasilidad ng iba’t ibang bansa ng Aprika at koneksyon ng pamilihan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio